batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 20, 2012, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



CBMS Simula July 11 sa Batangas City


Magsisimula na ang pagsusurvey sa may 65,000 households sa Batangas City ng mga enumerators na itinalaga ng pamahalaang lokal ng Batangas simula ika-11 ng Hulyo at tinatayang matatapos sa Setyembre ng taong ito.

Simula noong Hunyo 13 ay nagsimula na ang pagsasanay sa mga kawani ng City Planning and Development Office (CPDO). Una ay ang Module 1 na nagtuturo kung paano isasagawa ang 143 questions bawat survey form at kung papaano ito fifil up-an. May 30-45 minuto ang bawat household para sagutin ang mga tanong ng enumerator na mismong taga barangay. Ilan sa mga karaniwang tanong ay kung ilan ang miembro ng pamilya, ano ang hanapbuhay at kung may nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Engr. Obette Carandang, upang maging kumportable ang mga respondents ay taga barangay ang kanilang kinuhang enumerator. Nauna rito ay nagsagawa na rin ang pamahalaang lokal ng pagpupulong sa mga punong barangay hinggil sa kahalagahan ng CBMS kung kayat aniya ay hindi ito dapat ipag-ala-ala ng mga residente ng barangay. Ang lahat aniya ng impormasyon ay ituturing na confidential.

Bawat enumerator ay may hahawakan na walong households kada araw. Mauuna ang siyam na barangay na malalaki sa lungsod at inaasahang matatapos ang survey sa loob ng 45 araw.

Habang sinusulat ang balitang ito ay isinasagawa na ang pangalawang module ng CBMS kung saan ay tinuturuan ang may 20 kawani ng CPDO sa proseso ng page-encode ng data mula sa survey forms. Ayon pa kay Carandang, ang CBMS ay self-generating ang mga information kung saan isang scientific way of consolidating data ang nakaprogram na. Kung kaya aniya ito ay hindi pwedeng doktorin tulad din ng Local Government Performance System mechanism na ipineresenta ng DILG kamakailan.

Ang pagsasagawa ng CBMS ay nasa lubos na pagsang-ayon ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha. Naniniwala ang punong lungsod na matutukoy kung ano at sino ang karapat-dapat na bigyan ng mga proyektong pangkabuhayan, pangimprastraktura, pangkalusugan at ibang serbisyo publiko. Naglaan ng pondo ang pamahalaang lokal ng Batangas para sa survey forms honorarium ng enumerators at ang conduct ng training para sa mga ito. Nagbigay naman ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas ng technical assistance sa mechanics ng pag-coconduct ng CBMS.

Kahalagahan ng CBMS Ipinaliwanag

Ipinaliwanag ni Engr. Obette Carandang, Assistant Department Head ng CPDO ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang kahalagahan ng CBMS.

Aniya ito ay ayuda sa pagpaplano kung ano ang mga proyekto na maaaring ibigay sa bawat barangay ng lungsod. Halimbawa aniya, kung kailangan ng isang barangay ang basketball court, kung nakita sa survey na mayroon na, malamang ay hindi ito mapagbigyan dahil ito ay maaaring may konsehal o punong barangay na nagrequest nito. Bibigyan aniya ng prayoridad ang mga lugal na wala pang ganitong pasilidad.

Ipinaliwanag naman ng resource speaker na si G. Medel Salazar, hepe ng CBMS section ng Provincial Planning and Development Office ng Lalawigan ng Batangas, lahat ng munisipyo at isang ciudad sa lalawigan ang nakapagsagawa ng CBMS noong taong 2009 at ngayon ay pinakikinabangan na. Ang lungsod ng Batangas ang Lipa ay ngayon pa lamang nagiimplement nito.

Ayon pa kay Salazar, ito ang basehan ni Governor Vilma Santos Recto kapag may nahiling ng mga proyekto sa barangay o bayan. Tulad aniya ng pagbibigay ng Philhealth cards, ang datos mula sa CBMS ang naging basehan kung sino pa ang dapat na isyuhan ng libreng Philhealth. Noong aniya ay may crisis sa ibang bansa ay pinakontak ni Recto ang mga OFWs at binakunahan. Nitong nakaraang mga buwan ay binigyan ng pamahalaang panlalawigan ang mga returning OFWs ng P10,000 financial assistance bawat isa.

Kaya aniya, malaking bagay kung magiging cooperative ang bawat household sa pagbibigay ng mga impormasyon na magiging batayan ng pamahalaan para sila ay mabiyayaan ng mga proyektong pambayan. (Letty Chua, PIO, Batangas City)
Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.