|
Salary SPES
Pinakikinabangan ng pamahalang lungsod ng Batangas ang mga grantees ng Special Program for the Employment of Students hindi lamang sa kanilang mga tungkulin sa mga departamento kung saan sila ay nakatalaga kundi sa mga gawaing pangkomunidad.
Kabilang sa kanilang mga tungkulin sa komunidad ang pagsasagawa ng mga surveys, pagtulong sa mga job fairs ng Public Employment and Service Office o PESO at mga barangay projects kagaya ng Kabarangay Caravan Videoke Challenge. Naging staff din sila sa idinaos na 32nd National Folk Dance Workshop noong May 14-18, 2012 kung saan naging host ang Batangas City sa may 1000 delegado mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa hepe ng PESO na si Noel Silang, isa ang Batangas City na kinikilala ng Department of Labor and Employment sapagkat marami ditong estudyanteng nabibigyan ng trabaho tuwing summer vacation.
Hindi lang ito nagsisilbing work experience sa mga estudyante kundi nakakatulong din ng malaki sa kanilang mga gastusin sa pagbubukas ng klase.
Samantala, natanggap na ng mga SPES grantees ang 60% ng kanilang sweldo na nagkakahalaga ng P9,672.00 mula sa pamahalaabg lungsod noong June 18. Ang kabuunag sweldo kasama ang 40% sa DOLE ay P16, 000 o P310 bawat araw. Nagtrabaho sila ng 52 araw mula March 26-June 13 noong nagdaang bakasyon.
Ayon kay Jedahlyn Mendoza, SPES grantee, napakalaking tulong sa kanyang pag-aaral ang nasabing halaga at makatutulong din siya sa kanyang pamilya. Nagkaroon din aniya sila ng karagdagang kaalaman sa mga gawain sa gobyerno at natuto silang makiharap sa mga taong lumalapit sa kanilang tanggapan.
Ang SPES ay 20 taon ng ipinatutupad ng pamahalaang lungsod bilang bahagi ng programa ng PESO. (Ronna Endaya Contreras/Monina Fernandez, PIO Batangas City)
|