|
Community Safety Summit
Magkakatulong na itinaguyod ng Malampaya Foundation, Batangas City Government at Department of Interior and Local Government (DILG) Batangas City ang Community Safety Summit, noong June 14 sa Batangas City Convention Center.
Ayon kay DILG Asst. Regional Director Ariel Iglesia, ito ang kauna unahang safety sumit na isinagawa sa buong Region IV. Ito rin aniya ay patunay ng magandang ugnayan ng pamahalang lungsod at pribadong sektor kagaya ng Malampaya Foundation.
Layunin ng summit na matulungan ang 105 batrangay sa lungsod na makapagbuo ng mga napapanahong Disaster Risk Reduction Managemant Plan, na magiging gabay sa kumprehensibong aksyon sa panahon ng panganib.
Ganoon din ay makapagtatag ng citywide early warning system upang makapaghanda kaagad ang mga mamamayan para sa panahon ng kalamidad.
Sinabi ni Malampaya Foundation Executive Dir. Karen Agbin, na isa sa mga unang prayoridad ng Foundation ay ang kaligtasan ng mga mamamayan. Aniya mahigit na sa 500 residente ng Batangas City ang sumailalim sa Neighborhood Emegency and Safety Training o NEST. Nasisiyahan aniya siya na ang mga ito ay accredited at nakakatulong na ng Batangas Red Cross at Batangas City Bureau of fire Protection.
Pinasalamatan naman ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha ang Malampaya Foundation, Shell Exploration B.V, at iba pang kumpanya na katulong sa pagtataguyod ng Safety Summit. Aniya, isinasagawa o tinutupad ng mga ito ang kanilang corporate social responsibilities. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)
|