batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 18, 2012, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



PESO Update


Patuloy ang tanggapan ng Public Employment Service Office o PESO ng lungsod ng Batangas sa pagbibigay ng mga trabaho sa ating mga kababayan dito sa Batangas City. Ito'y isa pa rin sa mga proyektong pangkabuhayan ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha.

Ayon kay Mr. Noel Silang, PESO officer, noong nakaraang ika-16 ng Hunyo, ay apatnapu't lima sa limampung aplikante ang na qualified sa trabaho sa bansang Cyprus. Isa lamang ito sa mga bansang malimit na pinupuntahan para magtrabaho.

Sinabi rin niyang ang Batangas City ang isa sa mga manpower resources ng ibang bansa. Dahil dito ay sinasanay ang mga Batangueno sa ilalim ng Technical Education Skills Development Authority on TESDA. Maraming scholars si Mayor Vilma Abaya Dimacuha na nagsasanay sa TESDA tulad ng scaffolding, Welding, Cake Decorating at Electricity.

Nananawagan si Silang sa mga Batangueno na mag apply ng trabaho sa kanilang tanggapan sapagkat aniya, maraming trabaho ang naghihintay para sa kanila.

Maaaring magsadya sa kanilang tanggapan sa PESO Office, City Council for Youth Affairs Bldg. sa P. Dandan St., Batangas City o tumawag sa telepono blang (043) 723 8802. (Alvin M. Remo, PIO Batangas City)

Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.