DWAW Re Launching

Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Batangas City ay isinagawa ang paglulunsad ng mga bagong programa sa DWAW 999 khz AM Band.
Ito ay isinagawa noong ika-12 ng Hunyo sa People's Quadrangle na dinaluhan nina Mayor Vilma Abaya Dimacuha at dating Punonglungsod Eduardo B. Dimacuha.
Ginampanan nina City Administrator Phillip Baroja at City PIO Chief Letty Chua ang pagpapakila sa mga bagong programa.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng At your Service na isang programang tutugon sa mga hinaing ng mga mamamyan sa lungsod, tatampukan ito ni Mayor Dimacuha.

Mayroon ding mga programang kapupulutan ng mahahalagang impormasyon tulad ng Police Patrol ni Batangas City PNP Chief Col. Nicolas Torre, Laging Handa ng Boyscouts of the Philippines-Batangas City Council, Palitang Kuro ng Batangas Press Club, Maka-mundong Usapan ni City Environment Officer Oliver Gonzales, Agri-talk ng OCVAS, Pwede pa Kami ng mga Senior Citizens at Tinig ng Kabataan ng Sangguniang Kabataan.
Ilan naman sa mga programang ibinabalik at higit na pinalakas ay ang Unang Hataw sa DWAW, Barangay Frontline, Masustansyang Usapan at Damdaming Bayan ni 1990 Golden Dove awardee, ang batikang broadcaster na si Beting Mauhay.
Mayroon ding mga programa kung saan maaaring makarinig ng mga usong awitin at mga lumang awitin tulad ng Dear Someone, Mr Romantico at You and I and the Music.
Ang mga programang ito ay maririnig araw-araw mula ala sais hanggang alas singko ng hapon.
(Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)