|
Hibiscus Rosa Sinenses
Bagong breed ng Bulaklak na Gumamela ipinangalan kay Mayor Vilma Abaya Dimacuha ng UPIPB
INIULAT ni Oliver Gonzales, City Environment and Natural Resources Officer sa isinagawang 2nd quarterly meeting ng Batangas City Environmental Council kamakailan ang pagkapili kay Mayor Vilma Abaya Dimacuha ng University of the Philippines Intitute of Plant Breeding bilang pangalan ng ilulunsad na bagong bulaklak na gumamela. Ito ay ang Hibiscus Rosa Sinenses Vilma Abaya Dimacuha.
Ilulunsad ito sa ika- 23 ng Hulyo bilang isa sa tampok na pagdiriwang sa ika- 43 taong pagkakatatag ng lunsod ng Batangas. Nagkakahalaga ang isang scion ng gumamela ng P1, 500.00 May 50 scions na igagawad ang UPIPB.
Ang naturang bagong breed ng gumamela ay pinag-aralan ng UPIPB at ang sinumang gagawaran nito ay may training na ipagkakaloob dahilan sa kapag hindi aniya alam ang pagpapalaki nito ay iba ang kinalalabasan, ayon pa kay Gonzales. May kulay na canary yellow ang talulot nito samantalang ang gitna ng bulaklak ay kulay pula.
ANG UPIPB ay naggagawad ng ganitong parangal sa mga taong may nagawang katangi-tangi sa kanilang larangan at dumadaan sa masusing pagtaya at ebalwasyon. Napili ang punong lungsod dahilang sa kanyang mahusay na pamamalakad at malakas na adbokasiya sa pangangalaga ng kapaligiran. (Letty Chua, PIO Batangas City)
|