batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 13, 2012, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



114th Independence Day Celebration


Batangas City Pinatingkad ng "Sayaw ng Kalayaan" ang pagdiriwang ng ika-114 taong kasarinlan ng Pilipinas sa lungsod ng Batangas noong ika-12 ng Hunyo.

Ito ay ang pagtatanghal na isinagawa ng mga kabataang mananayaw na tinaguriang Calicanto Mardigrano dancers na higit nagbigay kulay sa naturang okasyon.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagtataas ng watawat at pag-awit ng Lupang Hinirang at panunumpa sa watawat ng Pilipinas na ginampanan ni Secretary to the City Mayor Atty. Victor Reginald Dimacuha.

Batangas City Suot ang kanilang mga damit na Filipiniana, pinangunahan ni Mayor Vilma Abaya-Dimacuha at dating Punonglungsod Eduardo B. Dimacuha ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng bayaning si Jose Rizal.

Nakiisa din sa paggunita ang mga myembro ng Sangguniang Panglungsod, department heads, pinuno ng ibat-ibang paaralan/academe at mga mga opisyales ng Department of Education.

Nag-alay naman ng mga makabayang awitin ang Dangal ng Lunsod Batangan Chorale habang isinasagawa ang pag-aalay ng bulaklak.

Pinasalamatan naman ni Mayor Vilma Abaya-Dimacuha ang lahat ng naki-isa sa pagdiriwang. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)
Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.