batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 13, 2012, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



Sublian 25th


Sa loob ng dalawampu't limang taon ng pagsasagawa ng Sublian Festival sa lungsod ng Batangas, masasabing nakamit ng Batangas City ang layuning buhayin ang tradisyon ng Subli. Ito ang ipinahayag ni Ed Borbon, Vice Chairman ng Cultural Affairs Committee ng lungsod.

Karapat dapat din itong ipag anyaya sapagkat makikita dito kung papaano unti unting naisalin ng mga nakatatanda ang subli sa mga kabataan. Magugunita na taong 1988, nang unang isinagawa ang Sublian Festival sa pangunguna ni dating Mayor Eddie B. Dimacuha.

Kinikilala din ng Cultural Center of the Philippines ang Sublian Festival kung saan nakahanay ito sa Annual activity ng CCP sa buong taon.

Tatlong subli na ang nadiskubre sa Batangas. Ito'y ang subli ng Sinala, Talumpok at Agoncillo. Ang Subling Sinala ay may libro nang nalathala sa panulat ni Elena Rivera Mirano.

Samantala ngayong taong ito, maituturing na isa sa pinaka malaking paghahanda para sa 43rd Batangas City Foundation Day ang Sublian Float Festival na isang National Competition na may temang "Sa Manlulupig Di Ka Pasisiil". Isa ito sa mga highlight bukod sa Sublian Festival.

Ang Batangas City Foundation Day Activities ay may temang, "Isabuhay Tradisyong Batangueño". (Alvin M. Remo, PIO Batangas City)

Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.