batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
January 20, 2012, 2011

Public Information Office
(043) 723 2344



Childrens Art Competition 2012


Humigit kumulang sa 100 estudyante mula sa iba't ibang paaralan sa lungsod ng Batangas ang lumahok sa isinagawang Children's Art Competition na ginanap sa Event Center ng SM Batangas noong ika-11 ng Enero na isa sa mga activities kaugnay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Poong Sto. Nino.

Ang tema ng naturang kumpetisyon ay "Buhay ang Sto. Nino ng Batangan".

Ayon kay Bill Perez, miyembro ng Cultural Affairs Committee, kasama sa programa ni Mayor Vilma Abaya-Dimacuha ang paglinang ng galing sa sining ng mga kabataan na isa sa mga karangalang magbigay ng importansya sa sining at kultura ng Batangueno.

Aniya, sa murang edad pa lamang ng mga bata mainam na sanayin sa mga patimpalak na kagaya nito para mahubog na ang kanilang mga talent sa pagguhit at pagdebuho.

Ang mga materyales na ginamit sa pag-guhit ay 1/8 illustration board, oil pastel at lapis.

Naging hurado ang mga kilalang Batangueno artists na sina Ogie Maristela, Carol Fetalvero, at Jorge Banawa.

Bumisita rin ang kilalang pintor na si Aris Bagtas kung saan ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na masilayan ang on-the-spot drawing nito na lalong nakapag-inspire sa kanila.

Pinaalalahanan ni Bagtas ang mga aspiring artists na huwag makalimot sa pinanggalingan.

Ang mga kalahok ay tumanggap ng P200 bilang consolation prize, P500 para sa special award, P1,500 cash at trophy para sa 3rd place, P3,000 cash at trophy sa 2nd placer at P5,000 cash at trophy sa 1st place winner kung saan ang criteria for judging ay relevance of the content to the theme- 35%, lay-out/presentation - 30% and originality - 35% na may kabuuang 100%. Ang mga nagwagi ayon sa pagkakasunod-sunod ay sina Gerdwin Sadwa ng Ilijan Elem. School, Paul Michael Mendoza ng Marian Learning Center and Science High School at Marian Alferez ng University of Batangas. Nakamit naman nina Meldee Bello ng Bilogo Elem School at Lander Bool ng Ilijan Elem. School ang special awards.

Samantala, nagpasalamat naman si Gng. Luz Amparo, Executive Assistant at kinatawan ni Mayor Dimacuha sa mga sumuporta sa paligsahan at sa SM City Batangas. (Dimpy Lobtoc-Matienzo, PIO Batangas City)
Copyright © 2011 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.