| |
| |
NEWS & EVENTS Press Release |
| |
| |
| |
| CONTACT US |
| |
|
PRESS RELEASE
January 11, 2012, 2011
Public Information Office (043) 723 2344
|
|
Ethics Day
Ginunita ng Batangas City PNP ang 18th PNP Ethics Day noong ika-9 ng Enero na may temang "Sustaining Honest and Efficient Service".
Ayon kay PCI Edgardo R. Dimaano, deputy chief of police ng lungsod, taun-taon nilang ipinagdiriwang ang Ethics Day.
Gagawin aniya nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maging matapat at mas epektibong myembro ng kapulisan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mataas na moral at pag-iingat sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanila ng mga mamamayan.
Mayroon din anila silang mga programa at pagsasanay upang mapanatili ito. Sa kasalukuyan ay may 138 ang kabuuang bilang ng mga tauhan ng Batangas City PNP.
Magugunita na madalas tumanggap ang ilan sa kanilang mga myembro ng certificate of recognition mula sa pamahalaang lungsod ng Batangas bilang pagkilala sa kanilang ipinapakitang "exemplary performance" sa pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad.
Siniguro ni PCI Dimaano na sa ilalim ng pamumuno ni Pol Supt. Carlos Barde ay magpapatuloy ang katahimikan at kaayusan ng lungsod ng Batangas. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)
|
|