batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
January 11, 2012, 2011

Public Information Office
(043) 723 2344



Blessing Tingga Itaas Barangay Hall


Maluha luhang ipinaabot ni pangulong Ismael Casas ang pasasalamat kina Mayor Vilma Abaya Dimacuha at dating Punonglungsod Eddie B. Dimacuha, kaugnay ng bagong barangay hall ng Tingga Itaas. Ayon kay Casas katuparan ito ng matagal ng pangarap ng mga residente ng barangay.

Ayon kay Casas ang barangay hall ang magiging sentro ng ugnayan ng mga taga Tingga Itaas. Sa pamamagitan aniya nito ay higit nilang maipagkakaloob ang serbisyo ng pamahalaan sa mga residente. Inaasahan rin na mas magiging mabilis ang koordinasyon sa mga karatig barangay.

Ang V.A Dimacuha Type 2 storey barangay hall ay nakatayo sa may 1000 metro kwadradong lote na binili ng barangay sa isang residente nito. Inumpisahan ang konstruksyon nito noong huling taon ng termino ni dating Mayor Eddie Dimacuha, 2010 at ipinagpatuloy ni Mayor Vilma. Natapos ang konstruksyon ng barangay hall noong huling quarter ng 2011.

Ito ay may magandang pasilidad para sa health center, tanggapan ng punong barangay at mga kagawad at tanggapan ng barangay tanod. May sapat na laki ng lugar para sa mga taong lumalapit. At magkahiwalay na comfort rooms para sa mga babae at lalaki.

Ang barangay hall ay puinasinayaan noong January 6. Bukod kina Mayor Dimacuha, dumalo rin sa okasyong ito ang mga konsehal ng lungsod ng Batangas. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)

Copyright © 2011 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.