|
Fiesta Activities 2012
"Sa pagkakaisa ng mamamayan at pagpapala ng Maykapal, Dangal ng Lungsod ng Batangas, Lalong Titingkad", ang tema ng pagdiriwang ng Kapistahan ng lungsod ng Batangas sa taong 2012.
Ito ay sisimulan sa pamamagitan ng pormal na pagpapakilala sa publiko ang mga kandidata para sa Bb. Lungsod ng Batangas 2012 sa pamamagitan ng isang motorcade na ginanap kaninang umaga sa loob ng poblacion.
Isang Press Conference din ang isinagawa sa SM City Batangas upang higit na makilala ang 20 naggagandahang kandidata.
Ang taunang Sto Nino ng Batangan Fluvial procession ay gaganapin sa ika-7 ng Enero. Mula sa Basilica ng Immaculada Conception, dadalhin ang Mahal na Patrong Sto Nino sa People's Quadrangle.
Dito isasagawa ang Alay sa Sto Nino Cultural presentations na lalahukan ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan sa lungsod sa ganap na ika-isa at kalahati ng hapon.
Pagsapit naman ng 3:30 ng hapon, ipaparada ang Sto Nino papuntang Wawa. Isasakay ito sa bangka sa Calumpang River patungo sa Calumpang bridge at kaagad susundan ng land procession sa city's main streets pabalik sa Basilica.
Kabilang pa rin sa selebrasyon ng kapistahan ang Batangas City ang Children's Art competition sa January 11 at Photo Contest at Children's Art Exhibit sa January 13-16. Kapwa gaganapin ang mga nabanggit na gawain sa SM City Batangas.
Muling itatanghal ang Battle of the Bands sa People's Quadrangle sa ganap na ikapito ng gabi sa ika-12 ng Enero.
Highlight din ng Batangas City Fiesta celebration ang Grand Finals ng Barangay Caravan Videoke Challenge sa People's Quad sa January 14.
Ipapakita naman ng 20 candidates ang kanilang angking galing sa Bb. Lungsod ng Batangas 2012 Talent Show sa ganap na alas singko ng hapon sa January 13 sa Bay City Mall.
At ang paghirang sa Bb. Lungsod ng Batangas 2012 ay sa ika-pito ng gabi ng ika-15 ng Enero sa Batangas City Sports Coliseum. Tampok na panauhin dito ang mga sikat na artista sa pelikula at telebisyon.
Sa Batangas City Sports Center ang assembly ng parada na lilibot sa loob ng poblacion sa mismong araw ng kapistahan. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)
|