batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
January 3, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



Social Pension


May 200 na katatandaan sa lungsod ng Batangas na may edad 77 pataas ang nakatanggap ng kanilang Social Pension for Indigent Senior Citizen para sa 3rd at 4th quarter ng taong ito. Ito ay alinsunod sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizen Act.

122 sa mga pensioner na ito ay nakatanggap ng halagang P 3000 bawat isa habang 78 naman ay nakatanggap ng P 6000. Sila yaong mga kapalit ng mga pensioner na sumakabilang buhay na kung kayat buo nilang natanggap ang kanilang pension para sa buong taon.

Sa nasabing batas, pagkakalooban ng halagang limandaang piso kada buwan ang mga higit na nangangailangan na senior citizen. Ito ay matatanggap nila sa bawat quarter ng taon.

Ayon pa RA 9994, ang halagang ito ay bilang tulong pinansyal para sa kalusugan ng mga pangunahing mamamayan ng bansa.

Ang nasabing programa ay mula sa pagsusulong ng pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay Mila Espaņola, hepe ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO, ang mga senior citizen na nakatanggap ng social pension ay mga indigent na katatandaan at walang anumang pension na natatanggap.

Lubos ang pasasalamat ng mga beneficiaries tulad ni Aling Flor Manalo ng barangay Liponpon, Isla Verde, 78 taong gulang, may 9 na anak at 20 apo. Aniya, malaking tulong ito bilang pang-ayuda sa kanyang pagpapagamot at ilang pang-araw-araw na gastusin. (Monina Fernandez/ Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)

Copyright © 2011 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.