batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
January 3, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



BPLO 2012


Pinapaalalahanan muli ang mga negosyante na kumuha na o mag renew ng kanilang business permit sa unang linggo pa lamang o bago sumapit sa araw ng deadline sa January 31 upang maiwasan ang multa.

Dagsa na naman ang mga tao sa Batangas City Hall sa unang araw ng pasukan ngayong Enero upang kumuha ng sedula, kumuha o magrenew ng business permit at magbayad ng iba pang buwis.

Ang pagdagsa ng mga tao ay inaasahan sa unang linggo ng buwan ng Enero sapagkat kailangan na namang mag renew ng sedula na ginagamit sa iba't ibang transaksyon.

Ayon kay Ditas Rivera, Business Permits & Licensing Officer, malaking tulong sa mga tao ang one- stop- shop na matatagpuan sa People's Quadrangle sapagkat organisado 0 maayos ang proseso ng pagkuha ng permit at hindi na nagsisiksikan kayat mas komportable and mga tao.

Kailangan ding kumuha o magrenew ng business permit hanggang sa katapusan ng Enero upang maiwasan ang pagbabayad ng surcharge na 25% at penalty na 2% bawat buwan at pagkabalam sa pagbabayad ng permit.

Nakatulong din ng malaki ang information campaign sa mga requirements at proseso ng application para sa business permit sa media at sa mga tarpaulin na nakapaskil sa may lobby ng City Hall at sa People's Quadrangle.

Ayon pa rin kay Rivera, habang kakaunti pa ang mga tao ay samantalahin ang pagkuha upang hindi magkaroon ng siksikan at penalty ang mga kukuha o nag renew na simula noong January 1. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City)

Lubos ang pasasalamat ng mga department heads kay Mayor Dimacuha at nangakong higit na pag-iibayuhin ang kanilang tungkulin at pagseserbisyo publiko. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)

Copyright © 2011 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.