batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
STATE OF THE CITY'S CHILDREN ADDRESS
Ni Kgg. Eduardo B. Dimacuha
Punong Lungsod



     "The investment we make on children today will determine the dividends we will reap tomorrow".

      Kung paano natin hinuhubog ang ating mga kabataan sa ngayon ay siyang magiging sukatan kung ano ang ating matatamasa sa kinabukasan.

      Bunga nito, ang pamahalaang lungsod ay nagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan upang ihanda sila sa bukas na pinapangarap natin para sa kanila.

      Binuo natin ang City Council for the Welfare of Children o CCWC upang mailatag ang mga plano at estratehiya para sa kapakanan ng mga kabataan. Kasapi nito ang City Planning and Development Office (CPDO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Health Office (CHO), City Civil Registrar's Office (CRO), Batangas City Police Office (BCPO), Public Information Office (PIO), Department of Education (DepEd), City Prosecutor's Office, Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), TESDA, Sangguniang Panlunsod, Chairman Committee on Family and Women, City Council for Youth Affairs (CCYA), City Administrator, President of the Liga ng mga Barangay at ang NORFIL Development Foundation na kumakatawan bilang Non-Government Organization. Tumatayong secretariat nito ang City Planning and Development Office.

      Isa sa pinakamahalagang naisakatuparan ng CCWC ay ang pagbubuo ng Long-Term Development Plan for Children noong taong 2003 kung saan ito ay naging batayan ng ibang mga siudad sa Region IV.

      Bukod dito, narito ang ilan sa mga tanggapan na kaagapay natin sa pagpapaunlad at pangangalaga ng kapakanan ng ating mga kabataan.

      Ilan sa mga programang pambata ay ang Day Care Service, isang supplemental parental day care program para sa 2 hanggang 5 taong gulang na bata na ang mga magulang ay naghahanapbuhay. Ito ay pinamamahalaan ng CSWDO. Para sa taong 2004, ang lungsod ay may 105 Day Care Centers sa 81 barangays na may 9,282 na mga batang inalagaan. Sila ay binigyan ng libreng aklat at regular na medical at dental examination. Patuloy pa rin ang milk feeding program kung saan ang mga batang kulang sa timbang ay binibigyan ng libreng sariwang gatas mula sa Bucal Dairy Farm.

      Nakapagbuo ng may 80 Barangay Councils for the Protection of Children ang CSWDO upang matiyak ang pakikilahok ng komunidad sa pangangalaga ng kabataan.

      Sa bahagi ng programang pangkalusugan ng mga bata, ang City Health Office o CHO ay nagbibigay ng pre and post natal care sa mga inang nagdadalantao. Para sa taong 2004, may 6,259 ina ang sumailalim sa nasabing programa. Samantala, 5190 naman ang nabakunahan ng tetanus toxoid at 6,043 ang nabigyan ng Vitamin A.

      May 7,031 na mga sanggol na may edad na 0 hanggang 11 buwan ang nabakunahan laban sa mga sakit na tuberculosis, diphtheria, pertussis, tetanus, poliomyelitis at tigdas; 7,148 na mga sanggol ang tumanggap ng Vitamin A.; 178 bata ang nabigyan ng anti-biotics laban sa pneumonia, samantalang 1,240 na bata ang nagamot na may acute diarrhea; 164 na malnourished na mga bata ang nabigyan ng supplement at may 20,899 na bata ang nabigyan ng preventive at curative dental services.

      Naipasa rin ang Dengue Prevention Ordinance upang maiwasan ang pagkalat ng dengue sa ating komunidad.

      Di rin matatawaran ang gabay at tulong ng City Prosecutor's Office na tumutok sa mga kasong pang-aabuso sa kabataan kabilang ang pang-aabusong sekswal, pambubugbog at iba pang krimen.

      Ang Women and Children's Desk ng Batangas City Police Station o BCPS ay patuloy na tumutulong sa mga kaso ng child abuse at illegal drugs na sangkot ang mga kabataan May 180 katao ang lumapit sa naturang opisina at humingi ng legal assistance at guidance counselling. Sa tulong ng CSWDO, nakapagsagawa ang BCPS ng 30 family case conference at management na layuning mabigyan ng guidance ang biktima at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng pamilya.

      Nagdaos din ang BCPS ng symposium sa iba't ibang paaralan kung saan lumahok ang may 2,800 na estudyante.

      Sa bahagi ng edukasyon, napanatili ng Batangas City ang mataas na literacy rate na 94.63%. Pagdating sa National Achievement Test, pangalawa ang Batangas City sa subjects na English, Mathematics at Science sa taong 2004. Hindi rin pahuhuli ang Batangas City pagdating sa iba't ibang kumpetisyon kagaya ng pagkakatanggap ng Batangas City Division ng 17 trophies sa National Schools Press Conference habang ang ilang secondary school students ay tumanggap ng first place sa National Science Fair and Quiz sa Laguna, second place sa Regional Math Wizard Competition sa Cavite at first place sa Asian Quiz sa Regional Office sa Pasig City.

      Bumaba naman ang drop-out rate mula 18% hanggang 15% sa elementary at mula 25.20% hanggang 22.40% sa secondary level

      Naniniwala kami na ang paglalaan sa mga mag-aaral ng sapat na mga gusali, magandang pasilidad ng mga eskwelahan, aklat, television sets at mga computers ay mahalagang sangkap kung bakit ganito kagagaling ang ating mga mag-aaral. Para sa taong 2004 tayo ay nakapagpatayo ng mga sumusunod na istraktura para sa ating mga mag-aaral.

 Particulars Costings
One 3-Storey EBD Type School Bldg. - Pinamucan P 4,425,980.00  
Four 2-storey EBD Type School Bldgs.Sampaga, Tinga Labac, Talumpok and Pallocan West 8,984,600.00  
One 6-classroom EBD Type School Bldg. Kumintang Ilaya 2,299,078.00  
Five 3-Classroom EBD Type School Bldgs. Concepcion, San Pedro, Conde Labac, Wawa and Talumpok Proper 15,465,806.00  
Eight H.E. Bldgs.- Pulot Aplaya, Malitam, Ambulong, Alangilan, Talumpok Sil., Sta. Rita Kar., Cuta & San Miguel 6,738,190.00  
Stage and Extended Roofing- Talahib Payapa, Talahib Pandayan, Sta. Clara, San Isidro, Pulot Itaas, Soro-Soro Ibaba, San Agustin Kan. 9,147,655.00  
School Toilet, Canteen and Lab Bldg. - Parang Cueva, Dalig, Cuta, Batangas Nat'l. HS 4,537,433.00  
Six Fencing Projects - Ilijan, Batangas City East, San Jose Sico, Balete Nat'l. HS, Bucal and Bolbok 2,295,461.00  
GRAND TOTAL P53,894,203  

      Nagkakaloob din ang Dep Ed ng Alternative Learning System o non-formal education upang mabigyan ng pagkakataong mabigyan ng literacy classes at vocational trainings ang mga hindi nakakapag-aral na out-of-school youth at adults. Mga student teachers naman ang nagtuturo ng reading, writing at numeracy sa mga out-of-school youth.

      Naniniwala tayo sa kahalagahan ng information technology kaya inilunsad natin ang Computer Literacy Program for Out-of-School Youth sa pakikipagtulungan ng Rotary Club Downtown Batangas at TESDA. May 125 mag-aaral ang nakapagtapos na sa five-day computer course na ginanap sa Teachers' Training Center. Malaking suporta rin ang ibinigay ng JG Summit Petrochemical Corporation sa programang ito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng 10 computer units sa Simlong Elementary School at pagsasagawa ng basic computer course para sa mga guro at estudyante ng nasabing paaralan.

      Bilang bahagi ng 104th anniversary celebration ng Civil Service Commission, nagsagawa ang Public Information Office ng pagbisita sa may walong public elementary schools sa poblacion kung saan sila ay nakapagsagawa ng information campaign tungkol sa mga batayang serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod. Nagturo rin sila ng waste segregation sa mga bata katuwang ang Jollibee at McDonald's Mascots.

      Ito ay karagdagang gawain nila sa radyo, dyaryo at telebisyon kung saan sila ay nagbabalita at nagtatanghal ng galing at talento ng mga kabataan upang malaman ng mas higit na nakararaming mamamayan.

      Patuloy naman ang Civil Registrar's Office o CRO ng kanilang proyektong Oplan Kamalayan sa layuning mapalawak ang kamalayan ng tao sa kahalagahan ng civil registration partikular ang pagkakaroon ng birth certificate. Sa proyektong ito ay nagkakaloob sila ng libreng birth certificates as mga Grade 1 at First year enrollees sa public elementary at secondary schools Mula ng simulan ang proyekto noong 2002, mahigit 12,000 na libreng birth certificates ang naipamahagi ng naturang opisina.

      Para sa mga higit na nangangailangan, hindi na sinisingilan ng surcharge ang delayed birth registration alinsunod sa hiningi nating resolusyon sa Sangguniang Panlungsod na nagbibigay ng kapangyarihan sa City Civil Registrar na i waive na ang nasabing surcharge kung may certificate of indigency mula sa CSWDO ang nag-aaplay. Ito ay sinimulan noong 2002 at na extend hanggang December 31, 2005.

      Sa rekomendasyon ng CRO , ipinasa rin noong 2004 ang Ordinance Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of the Father, its Procedures and for other Purposes. Nakapaloob sa ordinansa na kapag indigent ang aplikante base sa certification ng CSWDO, ang fee sa application ay P50.00 lamang sa halip na P500.00.

      Sa mga ikinasal sa pamamagitan ng malawakang pagkakasal, libre din ang legitimation process ng mga anak ng mag-asawa kung walang legal impediment sa edad ng mag-asawa sa araw ng kapanganakan ng anak.

      Hindi na maikakaila na ang pagiging teenager ang isa sa pinaka-kumplikadong estado ng kabataan. Ang City Council for Youth Affairs ay katuwang ng City Cultural Affairs Committee na naglalatag ng mga programang lilinang sa talento ng kabataan. Mayroon ding Inter-Barangay basketball tournament, taekwondo, billiards, motocross, cycling, table tennis, volleyball at iba pang sports na nakapaloob sa Mayor's Cup. At nitong huli ay ang paglulunsad ng Kabarangay Caravan Videoke Challenge kung saan lumutang ang talento sa pag-awit ng mga kabataan sa l2 cluster barangays.

      Ang Youth Empowerment Program sa pakikipag-ugnayan ng Department of Labor and Employment ay may tuloy-tuloy na Special Program for Employment of Students kung saan ang pamahalaang local ay nagbibigay ng 60% ng kanilang sweldo at 40% mula sa DOLE.

      Naglunsad din tayo ng Scholarship Program kung saan may mahigit 100 higit na nangangailangan ngunit matatalinong mag-aaral ang nabigyan natin ng libreng tuition sa halagang P5,000.00 kada semester para sa college scholars at P200.00 transportation allowance kada buwan para naman sa mga nag-aaral sa sekundarya.

      Ang taunang ulat na ito ay bahagi ng tinatawag na "transparency" upang maipaalam sa inyong mga mamamayan ang mga programang para sa ating kabataan. Isa rin ito sa apat na regalo para sa mga bata o four gifts for children na nakapaloob sa mga gawain na hinihiling ng United Nations Children's Fund o UNICEF.

      Dala ng paniniwalang ang mga bata'y pinakadakilang regalo ng Diyos, ang pamahalaang lungsod ay patuloy na kumikilala at naninindigan sa pangangailangan at karapatan ng bawat bata.

      Mga kababayan, sa ating mga kamay nakasalalay ang kaganapan kung sila'y mamumuhay sa kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran. Sila ang huhubog ng kalagayan ng ating lungsod at ng ating bansa.

Maraming salamat at magandang araw sa inyong lahat!
KGG. EDUARDO B. DIMACUHA
Punong Lungsod         
 For your Comments & Suggestions about this Site:
 Mail the Webmaster at: info@batangascity.gov.ph
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved. 
Best viewed in 800 x 600 Resolution.