Batangas City Gold at Silver Awardee sa International Awards for Liveable Communities
NAKAMIT ng Lungsod ng Batangas ang Gold Award sa Project Category sa idinaos na International Awards for Liveable Communities (LivCom) Competition sa Songpa, Seoul, South Korea noong ika-27 hanggang ika-31 ng Oktubre, 2011.
Ang dalawa pang nakakuha ng GOLD ay Dubai, UAE (Revitalization of Historic Dubai at Serpentine Jarrahdale Shire, Australia (Planning for the Future).
Ipineresenta ni Atty. Victor Reginald Dimacuha, Secretary to the City Mayor at Oliver Gonzales, Assistant Department Head at Hepe ng City Environment and Natural Resources Office ang Batangas City Environmental Code sa mga hurado ng naturang kompetisyon.
Nakapaloob sa 35-minute presentation ang mahigpit na pagpapatupad ng NO PLASTIC AT STYRO POLICY at NO TO MINING, GREENING PROGRAM, ALTERNATIVE ENERGY UTILIZATION at iba pang probisyon ng naturang E-Code.
Ayon kay Atty. RD maaaring nakita ng pists ang pagkakaroon ng lungsod ng sustainable program sa barangay cleaning and beautification program at pagkakaroon ng mga centennial trees na patunay ng pagmamahal ng mga Batangueno sa kanilang kapaligiran.
"Sa presentasyon ay ipinakita natin ang paggamit ng media network, electronic billboard display at consultation sa mga barangay upang maisulong ang mga programang pangkapaligiran", dagdag pa ni Atty. RD.
Mayor Vilma Abaya Nagpaabot ng Pasasalamat
Kaugnay nito, ipinaaabot ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha ang kanyang taos pusong pasasalamat sa suporta ng mga mamamayan sa programa ng gobyerno.
"Nagbunga na ang ating pagsisikap na mabigyan ng pagkilala hindi lamang ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) kundi ng isang international awarding body . Ang lahat ng ito ay aking ibinabalik sa mga mamamayan ng lungsod ng Batangas," masayang pahayag ni Mayor Dimacuha.
Isa rin itong paraan na maisulong ang turismo sa ating lungsod. Maaari na sa darating na araw ay maraming turista ang bibisita sa atin dahil nakilala na tayo," dagdag pa ni Mayor Dimacuha.
Samantala may 43 local government units mula sa iba't ibang panig ng mundo ang nagtagisan. Bukod sa Batangas City nagpresenta rin ang cities ng Dagupan, Las Pinas at Iloilo.
Ito ang mga sumusunod: Al Ain City Municipality, UAE; Albuquerque, USA; Amman, Jordan; Bilbao, Spain; Chrudim, Czech Republic; Dalongdong, Republic of China; Greater Ankara Municipality, Turkey; Helsinki, Finland; Hue City, Vietnam; ;); City of Joondalup, Australia; Kaohsiung City, Taiwan, Republic of China; Kladno, Czech Republic; City of Kuching North, Sarawak; Logan City, Australia; Maputo, Mozambique; Nansha District, Guangzhou, PR China; Nansha District, Guangzhou; Nieuwpoort, Belgium; Nilufer Municipality, Turkey; North Charleston, USA; Port Philip, Australia; Sangju-si, Korea; Seogwipo City, Korea; Siena Province, Italy; Sun Rivers Golf Resort Community, Canada; City of Johannesburg, South Africa; Mesto Tabor, Czech Republic; Vorniceni Village, Moldova; Yueliangwan Community, Linyi, Shandong, Republic of China; at Yilan, Taiwan, Republic of China.
Bukod sa sharing ng best practices layunin ng naturang kompetisyon na mahikayat ang mga komunidad sa buong mundo na mapangalagaan ang kalikasan upang patuloy na maging kaaya-ayang tirhan ito ng mga tao para sa tahimik at masaganang pamumuhay.
Batangas City, Silver Awardee (Whole City Category)
Tumanggap naman ng Silver Award ang Batangas City sa Whole City Category kung saan hinati ito sa limang grupo ayon sa bilang ng populasyon. Ang lungsod ay kabilang sa 150,000 - 400,000 group.
Nakuha ng Joondalup, Australia, Nansha Guanzhou, China at Kuantan, Malaysia ang Gold, Gold at Silver ayon sa pagkakasunod.
Ayon kay Oliver Gonzales may range ang grading ng mga hurado tulad ng Gold Awardees ay mula 98-100. Wala pa siyang impormasyon aniya kung anong range ang nakuha ng Batangas City.
Ang criteria ng Whole City Award ay ang Enhancement ng Natural at Built Landscapes; Arts, Culture and Heritage; Enviromental Best Practices; Community Participation and Empowerment; Healthy Lifestyle; at Strategic Planning.
Sa presentasyon ni Atty. RD, ilan sa binigyang diin niya ang malakas na public at private partnership upang maisulong ang mga programa ng siudad. Inilahad din niya ang mayamang kultura at tradisyon ng mga Batangueno at ang pagkakaroon ng kahandaan sa mga kalamidad.
Ang LivCom ay suportado ng United Nations Environment Program bilang bahagi ng kanilang civic environmental advocacies. Ito ay itinatag noong 1997 ng isang United Kingdom Registered Charity kung saan may 50 bansa na ang kanilang kinilala sa iba't ibang larangan.
Sa website ng LivCom Awards, mababasa ang mensahe ng founder and chief executive nito na si Alan Smith, ...LivCom is not only about recognizing achievement - more critically, it is about sharing best practice. I am proud that since the development of the awards the event has undoubtedly contributed towards improving the quality of life for people around the world." (Letty Chua-PIO, Batangas City)
|