|
|
|
|
|
MESSAGE FROM THE MAYOR
MISSION & VISION
NEWS & EVENTS
LOCAL GOVERNMENT
MAP OF BATANGAS
DIRECTORIES
CONTACT US
SEPPP
(Socio Economic Physical
& Political Profile)
San Jose Sico Jail Registration
August 19, 2010
Nakapagrehistro ang may 47 bilanggo sa San Jose Sico Jail dito sa BAtangas City kung saan nagpunta rito ang ilang mga kawani ng Comission on Elections upang mabigyan sila ng pagkakataong makaboto sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 25...
Job Fairs at LRDC
August 18, 2010
Marami sa mga Batangueno ang magagaling, masipag at kwalipikado sa mga trabahong kailangan nila kayat napili nilang puntahan ang Batangas City para sa kanilang hiring...
Enterpreneurship Seminar 2010
August 18, 2010
Hindi lang livelihood trainng ang ipinagkakaloob ng Office of the City Veterinary and Agriculturual Services sa Batangas City, nagpapautang na rin ito ng walang interest na Tulong Puhunan upang higit pang makatulong sa mga mamamayan na maging mga negosyante o mapalago pa ang kanilang mga negosyo...
BSU Viatnamese Students
August 18, 2010
Dalawampung guro ng Thai Nguyen University sa Vietnam ang bumisita sa pamahalaang lungsod ng Batangas noong August 16 upang malaman ang takbo ng lokal na pamahalaan dito...
BCGECC
August 18, 2010
Namahagi ng may P360, 000.00 na debidendo at interes sa capital ang Batangas City Government Employees Consumers Cooperative o BCGECC sa may 675 kasapi noong ika-17 ng Agosto sa General Assembly nito sa peoples quadrangle...
Two Lane Star
August 18, 2010
Sinabi ni Konsehal Narciso Macarandang na ang kundisyon ng two -way STAR expressway mula Lipa City papuntang Batangas City ay hindi lamang mapanganib dahilan sa makipot ito kundi dahil sa mga reckless drivers kung kayat malimit ang banggaan dito...
Medicine Update
August 18, 2010
Nilinaw ni City Health Officer Rosanna Barrion na hindi lahat ng gamot ay maryoon sa pharmacy ng City Health Office kayat may pagkakataong hindi makakakuha ng libreng gamot dito...
Skills Training Program (Cristo Rei) Certificate Distribution
August 17, 2010
May 58 trainees ang nagtapos ng libreng skills training sa Cristo Rei Institute for Career Development kagaya ng housekeeping, food and beverage services, bartending at commercial cooking...
Micro Finance Centers
August 17, 2010
Dalawang micro finance centers ng Bangko Kabayan na isang nangungunang rural bank sa lalawigan ng Batangas ang pinagkalooban ng livelihood grants ng Globe Telecom sa ilalim ng kanilang Globe Enterprise Development Program na naglalayong makatulong sa pagpapalawak ng community enterprises...
Disaster at Lyceum Ferry
August 17, 2010
Dahil sa malakas ng buhos ng ulan kahapon, gumuho ang parte ng pader ng Lyceum of the Philippines University sa Batangas City na ikinasira ng isang bahay na may tatlong pamilyang naninirahan...
AH1N1 Vaccine to 6- 35 months old
August 17, 2010
Matapos bigyan ng libreng bakuna laban sa AH1N1 ang mga health workers noong nakaraang buwan ang mga batang may edad 6-35 months naman ngayong ang binibigyan ng bakuna laban sa nasabing sakit ng City Health Office sa Batangas City...
School Bags Supplies Distribution
August 16, 2010
Mahigit 841 school supplies at bags ang ipinamahagi mula sa pamahalaang lungsod ng Batangas sa may 10 public elementary schools na nabibilang sa West District...
TWC Mtg. RA 9003
August 10, 2010
Magtatalaga ang mga Barangay officials ng may 39 na Barangay ng pick up points para sa hakot ng kanilang mga basura ngayong buwang ito. Kaugnay ito ng malakas na kampanya ng lungsod ng Batangas na magkaroon ng makakalikasan at maayos na pamamahala ng basura...
Comelec Update
August 10, 2010
Sa ika -limang araw ng Barangay at Sk registration dagsa pa rin ang mga nag paparehistro sa peoples quadrangle. Ito ay bilang paghahanda sa magkasabay na election ng barangay officials at Sangguniang Kabataan...
Our Lady of Fatima
August 09, 2010
Isang pambihirang pagkakataon para sa mga deboto, Kristiyano at parukyano ng Archdiocese of Lipa sa lalawigan ng Batangas ang mabisita sa kauna-unahang pagkakataon ng International Pilgrim Image ng Our Lady of Fatima noong ika-5 ng Agosto...
CRO Flag Ceremony
August 09, 2010
Mainit na pagbati ang ipinaabot ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha sa Batangas City Civil Registrar's Office sa flag ceremony ng mga kawani ng pamahalaang lungsod. Ito ay pagkatapos na tanggapin ng naturang opisina ang plake bilang 2nd placer sa Search for Best Civil Registry (extra large category) mula sa National Statistics Office...
SM Eco-Bag
August 09, 2010
Inilunsad ng SM City Batangas ang kanilang ikalawang edisyon ng green bag noong ika- 6 ng Hulyo. Ito ay may apat na designs na kumakatawan sa apat na elemento ng kapaligiran ang : land, water, air at energy...
San Fernando Tourism Office at Musuem
August 05, 2010
Nabigla man ang mga kawani ng Museo Puntong Batangan sa biglang pagbisita ng mga taga San Fernando Pampanga, Tourism Office, nakapagbigay pa rin ang mga ito ng magandang impresyon at imahe para sa lungsod ng Batangas at mamamayan nito...
Bright Leaf Awards
August 05, 2010
Iniimbitahan ng Bright Leaf Awards ang mga writers, journalists at photographers na lumahok sa kumpetisyong ito na nagibigay pagkilala sa pinakamagaling na mga agricultural stories at photos tungkol sa mga mahahalagang issues at development sa larangang ng agrikultura ngayon...
Alay Lakad Beneficiary
August 05, 2010
Ang magkapatid na Joey at D'lanor Fruelda, kapwa special child ay ilan lamang sa mga kabataang natutulungan ng scholarship program ng Alay Lakad project ng pamahalaang lungsod ng Batangas...
National Nutrition Council
August 04, 2010
Hinihikayat ng Pambansang Pangasiwaan sa Nutrisyon ang bawat pamilya, lalo na ang mga bata na kumain ng maraming prutas at gulay araw-araw upang maiwasan ang micronutrient deficiencies tulad ng kakulangan sa vitamin A at iron...
PNP
August 04, 2010
Modus operandi ngayon ng mga magnanakaw ang awayin muna ang isang biktima o kaya ay bugbugin bago ito nakawan...
NFA Rice
August 04, 2010
Kung nabubulok o inuuod ang NFA rice sa mga warehouses nito sa Maynila , taliwas naman ito sa kondisyon ng mga bigas sa Batangas na napapanatiling maganda ang kalidad dahilan sa maayos na pangangalaga ng NFA dito...
MALAMPAYA Diabetes
August 03, 2010
Isang samahan ng mga pamilyang higit na nangangailangan sa Batangas City ang isang magandang halimbawa ng isang matagumpay na programa laban sa kahirapan...
BUBI
August 02, 2010
Isang samahan ng mga pamilyang higit na nangangailangan sa Batangas City ang isang magandang halimbawa ng isang matagumpay na programa laban sa kahirapan...
Healthy Baby Contest
August 02, 2010
Tinanghal na Most Health baby ang 7 buwang sanggol mula sa Barangay Sorosoro, Batangas City sa Healthy baby contest ng City Health Office bilang pagdiriwang ng Nutrition Month nong Hulyo...
Gulod Labac Health Center
August 02, 2010
Sa layunin ng pamahalaang lungsod ng Batangas na higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan, patuloy ito sa pagpapatayo ng ng mga barangay health center. Ito ang nagiging sentro ng lahat ng serbisyong pangkalusugan ng Batangas City Health Office...
CSWD Nutrition Celeb
August 02, 2010
Ipinagdiwang ng mga day care children mula sa 105 barangay sa lungsod ng Batangas ang Nutrition Month sa pamamagitan ng ibat-ibang patimpalak. Ito ay ginanap sa Peoples Quadrangle noong July 29-30 na may temang "Sa Pagkaing Tama at Sapat, Wastong Timbang ni Baby ang Katapat"...
Batangas Province Police Office Conference
August 02, 2010
Mahigpit na ipinaguutos sa mga kapulisan sa Batangas ang pgpapatupad ng anti criminality plan upang malabanan ang tumataas na bilang ng kriminalidad sa probinsiya partikular ang mga insendente ng barilan at nakawan...
Conde Labac
July 28, 2010
Pinasinayaan kahapon, ika-28 ng Hulyo ang 4-classroom EBD type school building sa Conde Labac Elementary School. Ito ang magiging silid aralan ng mga mag-aaral ng grade 5 at 6...
Feeding Program at Ambulong & Banaba East
July 28, 2010
Dalawang Barangay sa Batangas City ang nagsagawa ng feeding sa mga bata bilang pakikiisa sa paggunita ng Nutrition Month...
Session (Loan Veterans Bank)
July 28, 2010
Pinag-uusapan ngayon sa Sangguniang Panlungsod ng Batangas ang posibilidad na makapag loan ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa Veterans Bank...
Red Cross Recognition
July 28, 2010
Kinilala ng Philippine Red Cross, Batangas Chapter ang mga indibidwal, grupo o organisasyon na sumuporta sa ahensya noong nakaraang taon sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo. Ang Gawad Pagkilalala ay isinagawa sa 2nd Blood Donors Recognition Ceremony noong ika-27 ng Hulyo sa Hotel Pontefino...
PWD
July 28, 2010
Ginugunita ngayong linggong ito ang 32nd National Disabilty Prevention and Rehabilitation Week kung saan ang tema ay "Sa Istrukturang Accessible, Lahat ay Able"...
Batangas City NUTRI-Times
July 28, 2010
Pinalalakas ni Mayor Vilma Dimacuha ang nutrition pogram ng Batangas City upang maiangat ang kalususgan ng mga bata sa pamamagitan ng massive nutrition education campaign at pakikipagtulungan sa mga nutrition program ng mga paaralan, business at iba pang sektor ng komunidad...
My City My SM
July 28, 2010
Inilunsad noong July 17 ang My City, My SM project ng SM City Batangas sa pakikipag-ugnayan sa Department of Tourism at Philippine Star kung saan ipinakita ang Best of Batangas upang ma promote ang turismo hindi lamang sa lungsod kundi sa buong lalawigan...
CHO - Blood Letting 2010
July 28, 2010
Tumugon sa panawagan ng City Health Office ang 30 kawani ng pamahalaang lungsod ng Batangas na maging blood donor sa isinagawang blood letting activity kahapon (july 27) sa Gusaling Pangkalusugan...
Lupakan at Awitan
July 26, 2010
Kung pag-uusapan ang pananatili at pagpapayabong ng lokal na kultura, at tradisyong Pilipino masasabing malaki ang nagagawa dito ng Batangas City at patunay nito ang taunang Sublian Festival...
Book Launching
July 22, 2010
Inilunsad noong ika-23 ng Hulyo ang isang coffee table book na naglalaman ng 18 taon sa serbisyo ni dating Punonglungsod Eduardo B. Dimacuha...
Talumpatian
July 22, 2010
Nanatiling relevant o napapanahon ang mga pananaw at aral sa buhay ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at isa na rito ang kanyang pagmamahal sa kalikasan na ipinahayag niya sa kanyang mga tula at iba pang isinulat na obra...
Senior Citizen Bi-Monthly
July 21, 2010
Idinaos ng Regional Association of Senior Citizens sa Region 1V- A CALABARZON ang kanilang bi -monthly conference at advocacy forum tungkol sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizen Act 0f 2010 sa Batangas City noong July 16 kung saan mahigit na 300 kinatawan ng samahan ang lumahok...
Pista ng Kalikasan
July 21, 2010
Pinangunahan ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha at ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang malawakang paglilinis sa lungsod noong ika-16 ng Hulyo. Ito ay bahagi ng Pista ng Kalikasan na taunang isinasagawa para sa pagdiriwang pagkakatatag ng lungsod ng Batangas...
Pagpupugay Kay Mayor Eddie
July 21, 2010
Inilahad ng Cultural Affairs Committee ang makulay na paglago ng kultura at sining sa administrasyon ni dating Punong Lungsod Eduardo B Dimacuha. Ito ay bahagi ng Pagpupugay kay Mayor Eddie na isinagawa noong ika-20 ng Hulyo sa Teachers Conference Center noong ika-20 ng Hulyo...
McDO Opening
July 21, 2010
Pinangunahan ni Mayor Vilma Dimacuha at ng dating Mayor Eduardo Dimacuha ang ribbon-cutting at blessing kahapon ng pangalawang branch ng Mc Donald's sa P. Burgos St. Batangas City na bukas 24 hours para sa mga customers nito...
Kababaihan Fashion Show 2010
July 20, 2010
Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon ang Kababaihan 2010 na isang proyekto ng Home Extension Division ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services o OCVAS. Ito ay ginanap noong July 15 sa People's Quadrangle...
Quiz Bee
July 19, 2010
Bata pa lamang ay dapat malaman na nila ang kahalagahan njg kapaligiran at kung papaano ito mapapangalagaan...
Palaro ng Lahi
July 19, 2010
Bagamat mas popular sa mga kabataan ngayon ang mga laro kagaya ng basketball at iba pang sports , sinisikap pa ring ng pamahalaang lungsod ng Batangas na buhayin ang mga katutubong laro bilang bahagi ng mayamang kultura ng mga Pilipino kung kayat muling idinaos ang Palaro ng Lahi na nilhukan ng mga estudyante sa lungsod...
Bikeathon 2010
July 19, 2010
Inilunsad ng Batangas Jaycee Senate at Junior Chamber International ang Bikeathon Lakbay Lungsod ng Batangas 2010 kahapon July 18 sa layuning maiangat ang antas ng palarong cycling partikular sa buong probinsiya ng Batangas kung saan maraming magagaling na siklista ang lumahok...
Ms. Foundation 2010
July 18, 2010
Ang Miss Batangas City Foundation day ay isang pretihiyosong titulo sa lungsod, kung kaya't ang Mayor mismo ang pumupunta sa tahanan ng napiling magdala ng titulo. kaugnay nito personal na pinuntahan ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha ang masuwerteng dalaga na napiling bilang Ms. Batangas City Foundation Day 2010...
Tykes Donation
July 15, 2010
Soybean
July 15, 2010
Humigit kumulang sa P15-20 bilyon sa isang taon ang halaga ng soybean na inaangkat sa bansa kung kayat mahalagang mapalawak ang lokal na produksyon nito upang matugunan ang pangangailangan ng bansa...
Double Dead (botcha) @ OCVAS
July 15, 2010
Mahigit na 70 kilo botcha o yung tinatawag na double dead na karneng baboy ang nasabat ng task force ng Animal Health Council ng Office of the City Veterinary Services o OCVAS sa may Tingga Itaas Batangas City kung kayat napigilan ang masamang balak na ipagbili ito sa palengke...
Batangas City Trade Fair 2010
July 15, 2010
Kung mga murang bilihin at sariling atin ang hanap, pwedeng pumunta sa Trade Fair sa Plaza Mabini kung saan iba't ibang items ang mabibili sa may 40 stalls...
Agro Fair Opening 2010
July 15, 2010
Apat na natatanging kooperatiba sa lungsod ang pinarangalan ng Office of the City Veterinarian and Agricultural Services sa aspeto ng crop production, livestock farming, micro finance at coopreneurs sa pamamagitan ng kauna-unahang Gawad Kabuhayan na isinagawa sa pagsisimula ng Likhang Batangas Trade Fair kaninang umaga. Ito ay ginanap sa Peoples Quadrangle...
Shabu Confiscated
July 12, 2010
Isa sa mga barangay na tinututukan ng Batangas City police sa kampanya nito laban sa droga ay ang Sitio Itlogan, Barangay Cuta dito sa Batangas City...
Calumpang Bridge Closed
July 12, 2010
Pansamantalang isinara sa trapiko ang kalahating linya (half lane) ng Calumpang bridge simula noong July 9 bilang resulta ng isinagawang inspection ng Department of Public Works and Highway o DPWH sa nabanggit na tulay kamakailan...
Raid at Videoke
July 09, 2010
Nagsasagawa ngayon ng inspection ang Task Force on Nightclubs sa mga kainan sa Batangas City na lumalabag sa business permit nito dahilan sa nagiging beerhouses sa gabi kung saan nag-eentertain ang mga waitresses sa mga lalaking customers dito...
Peanut & Cassava Processing
July 08, 2010
Maraming pagkain ang nagagawa sa mani at cassava lalo na kung matamis ang paguusapan kaya isang livelihood seminar tungkol sa peanut and cassava processing ang isinasagawa ngayon ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa Batangas City...
Tradefair OCVAS
July 07, 2010
Mga opurtunidad sa kabuhayan ang itatampok ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa Batangas City sa isasagawa nitong Trade Fair sa July 12-15...
Diabetes Awareness Month
July 07, 2010
Iba't ibang serbisyo ang ipinagkakaloob ng City Health Office sa mga pasyenteng may diabetes sa pag obserba ng Diabetes Awareness Month ngayong Hulyo...
VAD visits CEO, Schools
July 06, 2010
Halos isang linggo pa lang ng kanyang panunungkulan, lumabas na agad ng kanyang opisina si Mayor Vilma Dimacuha at sorpresang binisita ang isang malaking departamento ng pamahalaang lungsod at ilang mga public elementary schools upang personal na makita ang mga problema at pangangailangan dito...
Inaugural Session
July 06, 2010
Naninindigan ang Commission on Elections sa Batangas City sa resolusyon ng Batangas City Board of Canvassers hinggil sa proklamasyon ni Councilor Narciso Macarandang bilang ika sampung miyembro ng Sangguniang Panglunsod kung kayat siya ang nararapat umupo bilang konsehal...
National Disaster
July 06, 2010
Inoobserba ang National Disaster Consciousness Month ngayong Hulyo kaya abala ang mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pangangalaga ng kaligtasan ng mga mamamayan kung may kalidad. Sa Batangas City sinimulan ng City Disaster Management and Coordinating Council sa pangunguna ni Mayor Vilma Dimacuha ang ceremonial observance sa pamamagitan ng pagpapalipad ng mga lobo...
AH1N1 Vaccine
July 06, 2010
Namimigay ng libreng bakuna laban sa AH1N1 ang City Health Office sa Batangas City upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan laban sa mapanganib at nakahahawang sakit na ito...
Philippines Longest Painting
July 05, 2010
Nagtapos sa Batangas City noong June 28 ang last leg ng Philippines Longest Painting bilang pambato ng bansa sa Guiness Book of World Records sa World's Longest Painting in Continuous Canvas kung saan lumahok ang 17 rehiyon ng Pilipinas...
City Announcement 2010
July 05, 2010
Hindi na pupwede ang mga libanero at laging huli sa pagpasok o yuong mga sumusweldo ng hindi pumapasok. Ito ang ipinarating ng reappointed City Administrator Felipe Baroja sa mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Batangas matapos ang flag ceremony kaninang umaga kung saan ipinakilala rin niya ang mga nahalal na vice mayor at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod...
Aerodance CHO
July 02, 2010
Bilang empleyado ng City Health Office, panuntunan din nila ang pagkakaroon ng healthy lifestyle kaya naman pagkatapos ng opisina sa hapon diretso silang exercise sa People's Quadrangle sa pamamagitan ng aerodance na kumbinasyon ng aerobics at dancing...
Back-to-School BNHS
July 02, 2010
Sa patuloy na pagtaas ng tuition fee sa mga pribadong paaralan, marami sa mga estudyante rito ang lumilipat sa mga public schools at isa sa mga ito ang Batangas National Highschool o BNHS na may halos 10,000 enrolees ngayong taon...
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.
Best viewed in 800 x 600 Resolution.